Nicko Caluya

Nicko Caluya

Featured on April 12, 2020

Happy Easter sa inyong lahat!

Tulad ng dati, bagong linggo = bagong takeover! Sa linggong ito, si Nicko Caluya ang ating tampok na panauhin. Isa siyang mag-aaral sa antas doktorado (PhD) sa Interactive Media Design Laboratory (IMD Lab) ng Nara Institute of Science and Technology (NAIST) sa bansang Hapon.

Nagtapos si Nicko ng Bachelor of Science sa Computer Science, na may Pagdadalubhasa sa Interactive Multimedia at Games, at Minor sa Panitikang Filipino, sa Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU). Dati siyang Punong Patnugot ng Heights, ang opisyal na publikasyon at organisasyong pampanitikan at pansining ng ADMU sa ika-60 na taong pagkakatatag nito (2012-2013).

Pagkatapos niyang magtrabaho bilang Junior Programmer sa isang kompanya at maging Instructor sa Ateneo, kinuha niya ang kanyang Master of Engineering sa NAIST.

Para sa kanyang PhD, may kinalaman sa Augmented Reality at Virtual Reality ang mga proyekto ni Nicko, na may kaugnayan din sa pagkatutong interaktibo, pagdisenyo at pagbuo ng mga laro at aplikasyon, at computer graphics. Hilig ni Nicko at ng mga kasamahan niya sa IMD Lab ang ramen, kaya gumawa sila ng ramen club, at napagawa naman siya ng mapa sa Google Maps ng mga ramenan na malapit!

Malugod nating tanggapin si Nicko sa Pinoy Scientists!

Pinoy Scientists in similar fields

magnifiercross linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram